Ayaw na ni Incoming National Security Adviser Clarita Carlos na buhayin pa ang peacetalks sa CPP-NPA-NDF.
Gayunman, sinabi ni Carlos na dapat manatili ang peace and order councils na nakikita niya aniyang may magandang resulta naman.
Ayon pa kay Carlos,dapat ituloy na lamang kung ano na ang napagkasunduan at himukin ang mga rebeldeng komunista na maging bahagi ng pagbabago.
Kasabay nito, inihayag ni Carlos na hindi pa siya nakakabuo ng sariling team at hindi pa nakikipag ugnayan kay Outgoing National Security Adviser Hermogenes Esperon.