Muling binuksan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pinto para sa pakikipag kasundo sa mga komunista.
Gayunman, inilatag na kundisyon ng pangulo ang pagbaba ng armas ng mga rebelde.
Ayon sa pangulo, nakahanda syang ibigay agad sa mga rebelde ang 1/3 ng kanilang hinihingi.
Pinuna ng pangulo ang malaking pondo na ginagastos sa bala at baril dahil sa mga labanan na ang target naman anya ay kapwa Pilipino.
Magsabi lamang anya ang mga komunista kung saan at handa syang puntahan sila para mag-usap.