Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sa Pilipinas ipagpatuloy ng pamahalaan at ng CPP-NPA ang usapang pangkapayapaan.
Ito’y sa kabila ng pahayag ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na wala namang mangyayari kahit pa sa Pilipinas ipagpatuloy ang negosasyon.
Sa kaniyang talumpati kasabay ng anibersaryo ng GSIS kahapon, sinabi ng Pangulo na walang dahilan para sa ibang bansa gawin ang pag-uusap.
“Bakit ako pupunta doon sa ibang lugar? Dito tayo. I guaranteed him safety and security for the duration of the talks. I gave him a small window. So let’s talk for 60 days.
“And in that period, you come home. I will pay for your expenses.”
“If after the two-month period wala, I will see to it that you walk out of the Philippines safely. Pero sabihin ko sa ‘yo, do not ever, ever come back, ever.” Pahayag ng Pangulong Duterte
Una rito, inihayag ni National Democratic Front Consultant Rey Casambre na posibleng umuwi na sa Agosto si Sison mula sa The Netherlands.
Ito’y batay na rin aniya sa naging rekomandasyon ng Government Peace Panel sa isinagawa nilang back channel talks sa Utretcht.
Gayunman, nagpahayag ng pangamba si Sison hinggil sa posibleng pagkadiskaril ng peace talks dahil sa posibleng pananabotahe kung ididikta ng Pangulo ang lugar kung saan itutuloy ang usapan.
Sa kabila nito, tiniyak ng Pangulo ang kaligtasan ni Sison sa sandaling magpasya na itong magbalik bansa na para sa peace talks.
—-