Ipinauubaya na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar ang pagrerekumenda kung may kailangan pa bang bumalik ng pamahalaan at ng komunistang grupo sa hapag ng negosasyon.
Ito ang inihayag ng Malakaniyang sa harap na rin ng panibagong pag-atake ng NPA o New People’s Army sa Antipolo City kamakailan na ikinasugat ng anim na miyembro ng PNP-SAF o Special Action Force.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw naman aniyang hindi seryoso at sinsero ang mga rebelde sa kanilang pakikipag-usap dahil taliwas ang lahat ng kanilang sinasabi kaysa sa kanilang ginagawa.
Dahil sa sunud-sunod na pag-atake ng NPA laban sa mga tropa ng militar, sinabi ni Roque na wala na aniyang katuturan pa para magbalik sa usapan ang dalawang panig kaya’t malabo pa ito sa kasalukuyan.
DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio