Ginagamit lamang umano ng komunistang grupo ang isyu ng muling pagkakadiskaril ng peacetalks para palakasin ang kanilang puwersa.
Iyan ang ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines bunsod ng pangamba ng mga komunista sa unti-unting pagbaba ng kanilang bilang.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, tila sinasamantala ng CPP-NPA at NDF ang peacetalks sa panghihikayat ng mas maraming miyembro upang maisakatuparan ang plano nitong pabagsakin ang administrasyong Duterte.
Una nang inakusahan ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na peace spoiler nang muli nitong ipatigil ang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunista.