Ibinabala ni OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David na posibleng maranasan ang peak ng COVID-19 surge sa bansa limang linggo mula ngayon.
Ito, ayon kay David, ay dahil pa rin sa presensya ng mas nakahahawang COVID-19 delta variant o mas maluwag na mobility sa kabila ng ipinatutupad na restrictions.
Sa katunayan anya ay hindi malayong maranasan ang peak anumang araw ngayong linggo depende sa reproduction rate lalo sa National Capital Region.
Bagaman bahagyang tumaas ang reproduction rate sa Metro Manila sa 1.41 kahapon kumpara sa 1.39 noong Sabado, bumagal naman ang hawaan sa buong bansa sa 1.32.
Magugunitang naitala ang record-high COVID-19 cases na 22,366 noong Agosto 30, pero sinabi ni David na posibleng mabasag ito at pumalo sa 30,000 ang bilang ng daily cases ngayong Setyembre. —sa panulat ni Drew Nacino