Posibleng maabot na ng Pilipinas ang peak o pinakamataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) bago magtapos ang Mayo.
Ayon kay Dr. Teodoro Herbosa, co-lead ng UP COVID-19 response team, ibinase nito ito sa pagpasok ng bagong datos kasunod ng ipinatupad na mass testing sa bansa.
Gayunman, kung tutuusin anya ay hindi pa rin sapat ang kapasidad ng bansa sa mass testing upang maging matukoy ang peak o pagtaas ng COVID-19 cases.
Kasabay nito, inilunsad ng UP Response Team ang encov.ph, isang real time dash board ng COVID-19 cases sa bansa kung saan makikita ang pagtaas o pagbaba ng mga kaso sa ibat ibang lugar sa bansa.
Sinabi ni Herbosa na iniendorso ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang magamit ng mga local officials sa pagbuo ng kanilang quarantine measures at sa kanilang mga desisyon kung kelangang i-lockdown ang isang sitio o isang barangay.