Posibleng mangyari sa loob ng pitong araw ang peak ng covid-19 cases sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso bagaman mababa ang naitalang growth rate.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa 28% ang growth rate ng COVID-19 na mas mababa kumpara sa 41% na naitala noong nakaraang linggo.
Mula July 9 hanggang 15, naiulat ang pagtaas ng average daily cases sa 802 na mas mataas kumpara sa 624 mula noong July 2 hanggang 8.
Nasa 5.57 naman ang average Daily Attack Rate (DAR) habang nasa 1.38 ang reproduction number noong July 12 mula sa 1.49 noong July 5.
Nananatili namang mababa ang healthcare utilization rate sa 29.6% habang nasa 22.8% ang icu bed occupancy sa Metro Manila.
Nabatid na tumaas ang COVID-19 positivity rate ng NCR sa 13%.