Ibinabala ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na maabot ang peak o rurok ng epidemya sa dengue sa Oktubre.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Chief Dr. Ferchito Avelino, ito ay dahil sa Oktubre inaasahang magsisimulang mangitlog ang mga ‘aedis aegypti’ o lamok na nagdadala ng dengue virus.
Inaasahan din sa Oktubre, magiging ganap na lamok ang maraming mosquito eggs at larvae o kiti-kiti.
Dagdag ni Avelino, itinuturing din nila ang 2019 bilang dengue year kung saan nagiging mataas ang kaso ng naturang sakit kada dalawa o tatlong taon.
Batay sa tala ng DOH, lumubo ng 98% ang bilang ng naitatalang kaso ng dengue simula noong Enero 1 hanggang Hulyo kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.