Malaki umano ang naging kasalanan ng Panay Electric Cooperative (PECO) kaya’t naging mabagal ang paglago ng ekonomiya ng Iloilo City sa mga nakalipas na panahon.
Ito’y ayon sa grupong Iloilo Economic Development Foundation ang dahilan kaya’t marami sa mga investors ang nagsi-atrasang mamuhunan sa lungsod.
Ayon kay Francis Gentoral, pangulo ng Iloilo Economic Development Foundation, ang hindi magandang serbisyo ng PECO ang siyang nagtaboy sa mga negosyante para maglagak ng puhunan sa Iloilo City mula 2010 hanggang 2016
Thou PECO initiated some improvements but still its not enough, its still not at par with the standards and requirements set to attract investment,”paliwanag ni ILEDF president Francis Gentoral.
Kaya naman nabuhayan ng loob ang mga negosyante ani sa lungsod sa pagpasok ng More Electric and Power Corp. o More Power dahil makabagong pasilidad at serbisyo nito para sa kanila.
Kaya naman tiwala silang maglalabas ng paborableng desisyon ang Korte Suprema para sa More Power hinggil sa nakabinbing petisyon dito ng PECO.
Kasunod nito, hinikayat ng grupo ang PECO na tanggapin na lamang ang magiging pasya ng Korte Suprema hinggil sa inihaing petisyon nito.
ILEDF calls for unity in the face of the global health crisis and for PECO to accept the thing it can no longer change in order for the whole of Iloilo City to move forward and level up as envisioned by the city government,”pahayag ni Gentoral.