Muling iginiit ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kahalagahan ng pederalismo bilang bagong sistema ng gobyerno.
Ito ang binigyang diin ng House Speaker sa kaniyang new year’s message kasabay ng kaniyang panawagan na magkaisa para sa mga hakbang na ginagawa ng Duterte Administration.
Kinakailangan aniya ang pagkakaisa ng bansa upang tuluyang malabanan ang kahirapan at mapagtibay ang mga institusyon para sa ganap na pagsulong ng bansa.
Sinabi pa ni Alvarez na ang pederalismo lamang ang susi para sa tunay na pagbabago dahil mababasag na nito ang Imperial Manila at maipakakalat na ng patas ang pondo at kapangyarihan sa mga kanayunan.
By: Jaymark Dagala