Palalawigin pa sa 13 mga ospital sa NCR ang pilot run sa pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17 na may comorbidity.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, ang phase 2 ng Pediatric Vaccination Program ay magsisimula sa Biyernes.
Kabilang sa idaragdag sa vaccination site ay ang Caloocan Medical Center, Ospital Ng Parañaque, at ang Pasay General Hospital.
Sa ngayon ay isinasagawa ang pagbabakuna sa mga bata sa Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City General Hospital, Fe Del Mundo Medical Center, Philippine General Hospital, Makati Medical Center at ang St. Luke’s Medical Center sa Taguig.
Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 144,131 na mga bata para sa pilot Pediatric Vaccination. —sa panulat ni Hya Ludivico