Hinimok ng mga pediatrician ang mga adult na magpabakuna na para maprotektahan ang kanilang mga anak sa bahay.
Sa gitna na rin ito nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga kabataan dahil sa Delta variant ng Coronavirus.
Una nang iniulat ng PGH na halos 10% ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay mga kabataan.
Dahil dito, isinulong ni Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng Technical Advisory Group ng DOH ang cocoon strategy kung saan mayroong full protection laban sa COVID-19 ang mga adult habang patuloy na sumusunod sa minimum health standards para hindi makahawa o maka infect sa mga bata.
Ang bakuna aniya ay isa lamang sa mga layer ng proteksyon na puwedeng pakinabangan o hindi ito kapalit kudi karagdagang proteksyon.
Binigyang diin ni Dr. Mary Ann Bunyi, pangulo ng Pediatrics Infectious Disease Society of the Philippines na kapag nabakunahan na lahat ng mga matatanda na kasama ng mga bata sa bahay indirectly o hindi direkta man ay mapo-protektahan din ang mga bata.