Kasunod sa pagkamatay ng isang Philippine Eagle ilang oras lamang matapos itong sagipin sa Compostela, Davao de Oro, nanawagan ang Philippine Eagle Foundation (PEF) sa pamahalaan na magpatupad ng mas mahigpit na mga hakbang sa pagprotekta sa mga agila.
Batay sa imbestigasyon, posibleng nasugatan ang naturang agila matapos barilin ng holen.
Namatay ito makalipas ng ilang oras dahil sa severe blood loss.
Ayon sa ulat, kabilang ang air gun sa mga karaniwang ginagamit na pambaril sa mga agila.
Ikinalungkot naman ni PEF Director for Operations Dr. Jayson Ibañez ang insidente at sinabing sa kabila ng kanilang pagsisikap na alagaan ang critically endangered na Philippine Eagle, patuloy pa rin silang nasasangkot sa karahasan.
Hinihikayat naman ng PEF ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga ordinansa na magkokontrol sa pagmamay-ari ng air guns sa mga teritoryo ng agila.