Nabiktima ang isang pulis matapos itong bumili ng gold bracelet sa online na nagkakahalagang 28,500 pesos.
Nakatalaga sa Special Action Force (SAF) ang biktima na kinilalang si John Paul Pitahin.
Ayon sa imbestigasyon, nakipagtransaksyon ang biktima sa umano’y sa nagngangalang Timikko Santos na nakilala niya sa Facebook para sa gold bracelet at ipinadala ang bayad sa gCash account ng suspek.
Kinontak ni Pitahin ang suspek matapos hindi dumating ang in-order nito ngunit nagpapadagdag pa ng bayad ang suspek na 14,300 pesos.
Kaagad namang ini-report ng biktima sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ang insidente.
Naaresto ang suspek na kinilalang si Hilda Borja, 23 anyos sa Dasmariñas City, Cavite.
Samantala, pinasinungalingan ng suspek ang bintang ng biktima.
Nahaharap sa kasong estafa sa ilalim ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act ang suspek. - sa panulat ni MAze Aliñ-Dayondayon