Isa lamang ang napatunayang kaso ng pekeng bigas sa bansa base sa ginawang pagsisiyasat ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay NFA Security Services Investigation Chief Atty. Ann Coronel, mula sa higit 50 kaso ng pekeng bigas na idinulog sa ahensya ay ang bigas lamang na mula sa Davao ang napatunayang peke.
“Wala pa rin po kaming nakikita sa iba’t-ibang parts ng ating bansa na napuntahan ng ating investigators, at ‘yung ating classifier and quality assurance officer na hindi bigas.”Ani Coronel.
Samantala, inatasan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagbuo ng interagency task force para sa mas malalimang imbestigasyon.
“Ngayon po ang lead agency na ay ang NBI, DOJ at ang PNP.” Dagdag ni Coronel.