Nagbabala sa publiko si Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III hinggil sa kumakalat na self-administered COVID-19 test kits.
Ayon kay Duque, hindi nakatanggap ng approval ang nasabing test kits mula sa Food and Drug Administration (FDA) kaya malaki ang tiyansang peke o smuggled ito.
Agad namang pina-imbestigahan ni Duque ang produkto sa FDA upang malaman kung dumaan sa pagsusuri o nabigyan ng Certificate of Product Registration.
Maliban sa FDA, tinitignan na rin ng DOH na isama sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI).
Payo naman ni Duque sa publiko na huwag bibili ng alinmang produkto lalo na sa online kung walang seal mula sa FDA.—sa panulat ni Abigail Malanday