Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap na militar sa Imus City, Cavite.
Ayon kay P/SSgt. Mark Anthony Salvador ng Imus City Police, naglalakad sa lugar ang suspek na kinilalang si Villardo Peradilla Jr., 40-anyos, na may sukbit na baril sa kanyang baywang.
Sinabi ni Salvador na nakatanggap sila ng reklamo laban sa kahina-hinalang kilos ng suspek.
Agad silang rumesponde kung saan naabutan si Peradilla sa lugar at narekober ang isang replica na kalibre ng baril.
Paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Omnibus Election Code at Usurpation of Authority ang mga isinampang kaso laban kay Peradilla. —sa panulat ni Angelica Doctolero