Isang babae na nagpanggap na nurse ang arestado dahil sa pagbebenta ng COVID-19 vaccines sa nurse na kanyang pinagnakawan ng identity o pagkakakilanlan sa isang entrapment operation sa Pasay City.
Kinilala ang suspek na si Michelle Parajes, 35 years old at nagpapakilala bilang Dayrelle Esteban, isang lisensyadyong nurse.
Tinangka ni Pajares na bentahan si Esteban ng vial ng COVID-19 vaccines sa presyong P2,000 habang sinubukan ng mga pulis na umorder ng 56 na vial sa pekeng nurse subalit nabigo.
Ayon kay Esteban, ninakaw din sa kanya ng pekeng nurse ang kanyang Professional Regulatory Commission ID, nang i-upload niya ito sa Facebook.
Nasakote rin ng mga pulis si Angelo Bunganay, na live-in-partner ni Pajares, na kanyang kasama nang isagawa ang operasyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong swindling at identity theft. —sa panulat ni Drew Nacino