Arestado ang isang lalaki na nagpanggap na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Nakilala ang suspek na si Carmelo Estondido, 38-taong gulang at nanunuluyan sa Barangay Tatalon sa Quezon City.
Inaresto si Estondido sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016 at Kidnapping and Failure to Return a Minor under Article 270 of the Revised Penal Code.
Ayon sa pulisya, nang aarestuhin na nila ang suspek ay agad itong nagpakilala bilang ahente ng PDEA ngunit nang kanila itong kumpirmahin sa ahensya ay walang lumabas na pangalan ni Estondito sa listahan.
Sa ngayon ay dinala na si Estondido sa Regional Trial Court Branch 42 at 45 sa Angeles City, Pampanga kung saan isinampa ang kanyang mga kaso.
—-