Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na may karampatang parusa ang hindi awtorisadong pagsusot ng uniporme ng militar at pulisya gayundin ang pagpapanggap na sila’y bahagi ng unipormadong hanay.
Iyan ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas matapos na maaresto ang isang babae na nakasuot ng athletic uniform ng pnp sa loob mismo ng Kampo Crame.
Kinilala ni sinas ang naaresto na si Marilyn Rojero na taga-Sto. Niño, Parañaque City dahil lamang sa simpleng jaywalking o iligal na pagtawid sa loob ng kampo.
Nabisto ang pagiging pekeng pulis ni Rojero nang mabigo itong magpakita ng id sa kabila ng pagsusuot niya ng uniporme ng pulisya.
Agad na dinala sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG – NCR) si Rojero at sinampahan ng kasong usurpation of authority at illegal use of uniforms or insignia.