Binalaan ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko laban sa pagkalat ng e-mails at text messages na naglalaman ng mga peke at malisyosong panuntunan at link hinggil sa registration ng sim cards at virtual wallets.
Ayon sa NPC, maaaring ‘phishing at smishing attempts’ ang mga kumakalat na pekeng emails at text messages na isinasagawa ng mga sindikato upang makapangalap ng datos ng mga indibidwal na target nilang biktimahin.
Pinayuhan naman ng komisyon ang publiko na huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon sa pamamagitan ng mga naturang email at text message at iwasan ding i-click ang anumang link o URLs.
Dapat ding antabayanan na lamang ng mga subscriber ang opisyal na guidelines na ilalabas ng department of information and communictions technology at national telecommunications commission hinggil sa sim card registration.
Bukas opisyal nang sisimulan ang pagpapatupad ng Sim Registration Law.