Maipalalabas na sa mga sinehan ang psychological thriller movie na “Bliss” na pinagbibidahan ni Iza Calzado.
Ito ay makaraang pakinggan ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board ang apela ng direktor ng pelikula na si Jerrold Tarog at palitan ng R-18 ang rating nito mula sa X-rated.
Ayon kay Noel Ferrer, ang manager ni Iza, apat na bagong mga panel ang muling sumuri sa pelikulang Bliss at nagkakaisang nagdesisyon na bigyan ito ng R-18 rating at ipalabas na walang cut.
Umaasa naman si Ferrer na matapos ito payagang maipalabas, ay susuporahan at tatangkilikin ito ng mga manonood.
By Krista de Dios