Wagi ang pelikulang “Hele sa hiwagang hapis” sa ginanap na 66th Berlin International Film Festival.
Ginawaran ng Alfred Bauer Prize ang pelikulang may haba na 8 oras na idinerehe ni Lav Diaz.
Ayon kay Diaz, inaalay niya sa mga kapwa niya direktor ang kanyang pagkakapanalo lalo na doon sa ginagamit ang paggawa ng pelikula tungo sa pagpapabago ng lipunan.
Sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at Angel Aquino ang mga bida sa premyadong “Hele sa Hiwagang Hapis.”
By: Avee Devierte