Inihalintulad sa mga sikat na pelikula na 50 First Dates at The Vow ang buhay ng isang babae mula sa Toronto, Canada matapos nitong magising na wala nang memorya.
Kung paano nalagay sa ganoong sitwasyon ang babae? Eto.
Matapos makaidlip, biglang nagbago ang buhay ng 34-anyos na babae na si Nesh Pillay, dahil pagkagising nito, hindi na nito natatandaan ang kaniyang anak at boyfriend.
Ang karanasan na ito ni nesh ay mapapanood na rin online, hindi nga lang sa pelikula, pero sa isang docu-series na may pamagat na 50,000 First Dates: a true story.
Tila isa talagang pelikila ang buhay ni Nesh noong mga panahon na yon dahil 20% lang at mga bagong memories lang din ang natatandaan niya.
Napagkamalan pa raw niyang Uber driver ang kaniyang 32-anyos na boyfriend na si Johannes Jakope at nagulantang din siya nang malaman na mayroon pala siyang anak, kung saan sinabi niya na hindi raw siya marunong mag-alaga ng bata.
Nagkaroon na raw ng noon ng head injury si Nesh pero baka raw na-trigger ang kaniyang amnesia sa naranasang traumatic brain injury kamakailan lang.
Kung kaya naman ipinatingin niya ito sa isang espesyalista at kinumpirma nga ng isang neurologist na nagkaroon siya ng concussion na siyang nagresulta sa memory loss.
Naghahanap pa rin daw ng lunas si Nesh dahil nakakaramdam pa rin siya ng pagsakit ng ulo at tremor o ang panginginig ng ilang parte ng katawan ngunit paunti-unti na raw bumubuti ang lagay nito sa tulong ni Johanne.
Samantala, nag-propose na rin sa kaniya si Johannes at nagkaroon sila ng anak na lalaki nito lamang nakaraang taon.
Ikaw, anong pelikula ang gusto mong maranasan sa tunay na buhay?