Masayang inanunsyo ngayon na ang pelikulang ‘Heneral Luna’ ang official entry ng bansa sa 2016 Oscars sa kategoryang Best Foreign Language Film.
Mula sa Facebook page ng pelikula:
“We are happy to announce and share with everyone the good news: HENERAL LUNA has been selected as the Philippines’ Official Entry to the 2016 Oscars in the Best Foreign Language Film Category!”
Sa direksyon ni Jerrold Tarog, ang heneral Luna ay kuwento ng tagumpay, buhay at ang kamatayan ni Antonio Luna, isang prominente at importanteng tao sa Philippine-American war history.
Kilala si Luna bilang isa sa pinakamatalinong military men sa kasaysayan ng Pilipinas, gayundin sa kakaibang taglay nitong katapangan.
Humakot ng magagandang reviews ang pelikula matapos itong i-release noong Setyembre 9 at nanawagan ng extensyon sa pagpapalabas nito sa publiko.
Inaasahan naman ang isang theatrical run ng pelikula na isasagawa sa Amerika ngayong Oktubre o Nobyembre.
By Aiza Rendon
Video via Youtube
Photo Credit: Artikulo Uno