Patuloy ang pagbasag ng box record ng historical epic movie na Heneral Luna.
Sa ika-4 na linggo nito sa mga sinehan tumabo na ang pelikulang Heneral Luna ng mahigit P172 Million.
Dahil dito, itinutulak na ang pagdeklara dito bilang highest grossing historical film of all time sa Pilipinas.
Nanawagan naman ang producers at direktor ng pelikula sa mga di pa nakakapanood na manuod na upang maabot aniya ang target P200 Million na kita na kanila naman anilang gagamitin sa paggawa pa ng susunod at makabuluhang historical film.
By: Ralph Obina