Natanggal sa mga pinagpipiliang best picture ng 41st Metro Manila Film Festival ang pelikulang Honor Thy Father.
Ayon sa direktor nito na si Erik Matti, sinulatan umano sila ng pinuno ng MMFF na si Emerson Carlos at sinabihang disqualified ang nasabing pelikula.
Paliwanag ng komite ng MMFF, hindi pinaalam sa kanila ng mga organizer na may una nang sinalihan na patimpalak ang Honor Thy Father.
Nabatid ng MMFF na sumali na ang Honor Thy Father sa Cinema One Originals Film Festival, dahilan ng pagkakaalis nito bilang best picture nominee ng MMFF.
By: Avee Devierte