Inanunsyo na ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang mga pelikulang kalahok ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ilan sa mga opisyal na pelikulang pasok sa 43rd MMFF ay ang: “Ang Larawan”, “Deadma Walking”, “Haunted Forest”, “Immaculada, Pag-Ibig ng Isang Ina”, “Madilim ang Gabi”, “Second Coming”, “My Fairy Tail Love Story”, “Siargao”, at “The Significant Other”.
Nabatid na una nang pasok sa opisyal na entries ng MMFF 2017 ang mga pelikulang “Ang Panday”, “Gandarrapiddo: The Revengers Squad”, “All of You”, at “Meant to Beh”.
Apat na entries pa ang kulang sa mga pelikula na isususmite naman sa selection committee.
Bukas naman inaasahang makukumpleto na ang final line – up ng MMFF 2017.