Tila hirap nang makabangon at makisabay ang Philippine Cinema sa pag-usbong ng internet, social media at streaming sa Pilipinas partikular na sa mga manonood.
Anu-ano nga bang problema ang kinakaharap ng pelikulang Pilipino sa bansa?
Tara, alamin natin.
Ang Pelikulang Pilipino ay isang mahalagang bahagi sa buhay ng maraming Pinoy na hindi kailanman naluluma.
Ngunit ang paraan ng panonood ng publiko ay nagbago na dahil sa patuloy na pagdami ng video streaming services sa iba’t ibang platform online, tulad ng Netflix at iba pang sites.
Mas tinatangkilik din ng mga producer ang pagpapalabas at pagbebenta ng kanilang pelikula sa mga streaming platform, dahilan para hindi na kailangang pumunta ng mga moviegoer sa sinehan.
Dagdag pa rito, mas pinapaburan na lang ng mga filmmakers ang mga sikat na artista para masiguro na ang kanilang pelikula ay maghi-hit sa panlasa ng madla.
Kaya naman nanawagan ang ilang artista sa publiko na manood muli sa mga sinehan, para makita rin nila kung paano nag-evolve nang husto ng Philippine Cinema at ang proseso ng storytelling.
Sa kasalukuyan, bilang tulong sa Filipino local film sa bansa tinanggal na ng Metro Manila Council ang 10% amusement tax para sa pagpapalabas ng lahat ng mga pelikula sa National Capital Region sa susunod na tatlong taon, para makatulong sa pagsulong ng industriya ng pelikulang Pilipino.
Sa tingin mo, ano pa kaya ang dapat gawin ng industriya para makisabay sa makabagong teknolohiya?