Hindi pinayagang ipalabas ang pelikulang pinagbidahan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa ilang sinehan sa Metro Manila.
Nabatid na ang My Father, Myself film nina Jake at Sean na isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 ay kabilang sa rated 18 o para lamang sa mga matured moviegoers na idinirek ni Joel Lamangan at prinoduce ng 3:16 media production.
Ayon kay Direk Lamangan, masyadong kumplikado at maselan ang plot ng istorya at hindi nagpapalabas ang ilang mga mall ng R-18 kung saan, lumutang ang galing ni Jake sa kanyang role bilang closet gay na abogado.
Sa kabila nito, kumpiyansa si direk lamangan na makaka-relate sa movie ang mga miyembro ng LGBT community na posibleng nangyari rin sa kanila ang naturang istorya.