Humakot ng 9 na parangal ang pelikulang “Quezon’s Game” sa 7th Urduja Heritage Film Awards.
Sinasabing nasungkit nito ang best heritage film award kahanay ang “Mindanao” ni Brillante Mendoza, “Lola Igna” ni Eduardo Roy Jr. at “Culion” ni Alvin Yapan.
Nakuha rin ng “Quezon’s Game” ang best actor (Raymond Bagatsing), best supporting actor (Billy Ray Gallion), at best supporting actress (Rachel Alejandro).
Samantala, itinanghal naman si Matthew Rosen bilang best director kung saan kinilala rin ang husay niya sa cinematography at production design habang nakuha rin ng kanyang anak na si Dean Rosen ang best screenplay award para sa nabanggit na pelikula.
Umiikot ang kwento ng “Quezon’s Game” sa buhay ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong kasagsagan ng “The Holocaust” o ang maramihang pagpatay sa mga Hudyo kung saan inampon ng Pilipinas ang maraming Jewish refugees.