Napili na ng Film Academy of the Philippines ang pelikula na magiging pambato ng Pilipinas sa 92nd Academy Awards.
Ito ay ang pelikulang “Verdict”.
Ang ‘Verdict’ ay ilalaban ng Pilipinas para sa international feature film category ng prestihiyosong film awards.
Pinangunahan ng batikang direktor na si Jose Carreon ang jury na namili ng pelikulang ilalaban.
Kasama ni Carreon sina Film Development Council of the Philippines head Liza Dinio, actor-producer na si Joel Torre at iba pang batikan sa larangan ng pelikula.
Ang pelikulang ‘Verdict’ ay pinagbibidahan ng aktres na si Max Eigenmann at namayapang indie actor na si Kristoffer King.
Matatandang ang ‘Verdict’ din ang nagkamit ng Special Jury Prize sa horizons section ng prestihiyosong Venice Film Festival.