Wala nang anumang pagkakataon na papayagang makapasok muli sa bansa si U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ayon ito kay Dana Sandoval, spokesperson ng Bureau of Immigration, matapos tuluyang ipa-deport si Pemberton pabalik ng Amerika, kahapon, ika-13 ng Setyembre.
Sinabi sa DWIZ ni Sandoval na kahit ilang dekada pa ang lumipas ay nakalagay na sa record ng BI na banned na sa bansa si Pemberton.
Siguro dahil nga sya ay naconsider na isang undesirable alien, talagang wala na syang opportunity to come back in the Philippines. And any attempt po na subukang pumasok ng Pilipinas, hindi na raw sya mapapapasok because of what happened. And he is already considered na undesirable alien, so, ‘yung pangalan nya po ay nakalagay na sa aming computer system. Kahit 10, 20, 30 years from now, made-detect po ‘yan ng ating Immigration officers,” ani Sandoval. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas