Mahaharap sa court martial proceedings sa Amerika si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque batay na rin sa ipinangako ng US authorities sa pre-trial ng kaso laban sa Amerikanong sundalo.
Sinabi ni Roque na malalaman sa court martial proceedings kung mayruon pang dagdag na parusa na ipapataw sa kanya at kung kuwalipikado pa itong manatili sa serbisyo.
Una nang nakalabas ng bansa si Pemberton matapos bigyan ng absolute pardon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-5 taon nang pagsisilbi nito sa sampung taong sentensya matapos patayin ang transgender na si Jennifer Laude.