Nakaalis na ng bansa si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay kay Pinay transgender Jennifer Laude noong 2014 na kamakailan ay ginawaran ng absolute pardon.
Ayon kay Dana Sandoval, tagapagsalita ng Bureau of Immigration (BI), ganap na alas 9:14 ngayong linggo ng umaga nang mai-deport si Pemberton mula NAIA-terminal 3 pabalik ng Estados Unidos.
Dagdag pa ni Sandoval, lulan si Pemberton ng isang military plane at batid din aniya sa mukha ng ex-convic na ‘calm at relax’ ito.
Nauna nang inihayag ng BI, na perpetually blacklisted na si Pemberton o hindi na kailan pa pahihintulutang makabalik ng bansa makaraang i-deport ito.
JUST IN: US Marines Lance Corporal Joseph Scott Pemberton nakaalis na ng bansa pic.twitter.com/YuVDTWIieh
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 13, 2020