Ipagpapatuloy ngayong araw na ito ang pagdinig sa kasong murder laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay ng pagpaslang sa transgender woman na si Jennifer Laude.
Ayon sa report, nakatakdang sumalang sa witness stand ang isang forensic expert, latent print examiner, toxicologist at isa pang agent mula sa US Naval Command Investigative Service o NCIS.
Kinilala ang mga nabanggit na sina Dr. George Jackson, toxicologist mula sa US Armed Forces Medical Examiner System (AFMES); Jessica Lecroy, Latent Print Examiner ng US Army Criminal Investigation Laboratory; Derek Dorrien na mula din sa USACIL; at NCIS Agent Philip Boyd.
By Meann Tanbio