Mananatili sa dating halaga ang pensyon na natatanggap ng mga senior citizens ayon kay Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio.
Ito ay sa kabila ng paalala ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na mayroong ipinangakong pagtaas sa pensyon sina dating chair Amado) Valdez and President Emmanuel Dooc .
Ayon kay Zarate, naipasa noong 2017 ang isang Executive Order na nagmamandatong itaas sa P2,000 ang pensyon para sa mga senior citizens.
Paliwanag naman ni Ignacio, walang legal na basehan ang hirit na P1,000 na pagtaas ng SSS pension at walang natanggap na mandato ang SSS mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Dagdag nito, hindi anila tinatalikuran ang sinasabing pagtaas ng pensyon dahil una pa lamang ay wala namang sinabing pagtaas ng pensyon ang ahensya para sa mga senior citizens.
Giit naman ni Zarate, personal niyang nakausap ang mga dating opisyal ng ahensya at meron silang nagpa-usapang pagtaas ng pensyon, pinabulaanan din ni Zarate na hindi totoong walang commitment na nabuo sa sinagawang pagdinig sa kongreso at senado.
Matatandaang, nauna nang inihayag ng ahensya na hanggang dalawang taon na lamang itatagal ng reserbang pondo nito na nasa P540 bilyon.—sa panulat ni Agustina Nolasco