Inakusahan ng isang US government watchdog ang Pentagon ng paglustay sa milyon-milyong pondo para sa reconstruction projects sa Afghanistan.
Ayon kay Special Inspector General for Afghan Reconstruction John Sopko, aabot sa 800 milyong dolyar ang ginastos ng task force for business and stability operations sa loob lamang ng limang taon.
Gayunman, wala naman kaukulang ebidensya na magpapatunay na natapos ang naturang proyekto sa Afghanistan at nakatulong upang mapalago ang ekonomiya sa naturang bansa.
Binigyang diin ng US government watchdog na hindi tapos at palpak ang pagkakaplano ng mga proyekto.
By Ralph Obina