Plano ng Pentagon na tapusin na ang mayorya ng military support nito sa Central Intelligence Agency (CIA) counterterrorism mission simula sa susunod na taon.
Hindi naman malinaw ang dahilan ng naging desisyong ito at posibleng epekto nito sa mga isinasagawang misyon ng CIA.
Ipinadala ni acting Defense Secretary Christopher Miller sa CIA director ang isang sulat kung saan nakasaad ang naturang desisyon na hindi umano inaasahan.
Sa ngayon ay tikom pa ang bibig ng dalawang panig kaugnay sa desisyong inilabas ng Pentagon.