Nanawagan na ng people power ang mga supporters ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para hikayatin itong tumakbong Presidente sa 2016 elections.
Ayon kay dating North Cotabato Governor Manny Piñol, lalo pang bunga ito ng pahayag ni Duterte na wala na siyang planong tumakbong Pangulo sa 2016.
Kumbinsido si Piñol na hindi makakaya ni Duterte na tanggihan ang mala-people power na panawagan sa kanya ng taong bayan.
“I’m still hoping against hope na magbabago ang kanyang desisyon because right now merong mga nagpaplanong mag-rally sa Luneta daw, sabi ng iba if we did a people power to oust an unwanted President, we could also a positive people power to install a wanted President, wala naman sigurong matibay na dibdib na lider na talagang nagmamahal sa tao na makaka-refuse ng ganoong panawagan ng taong bayan.” Ani Piñol.
Aminado si Piñol na nanlumo siya bilang supporter ni Duterte nang tila tuldukan ng alkalde ang posibilidad ng pagtakbo sa 2016 Presidential elections.
Gayunman, kung tutuusin ay hindi naman kinontra ni Duterte ang kanyang sarili dahil kahit noon pa ay sinasabi na niyang hindi siya tatakbo sa pagka-Pangulo.
Inamin rin ni Piñol na hindi nakatulong ang mga surveys para mahikayat si Duterte na tanggapin ang hamong tumakbo sa pagka-Pangulo.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Ginoong Piñol
By Len Aguirre | Ratsada Balita