Bahagyang bumilis ang kilos ng Tropical Depression Pepito.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Bagyong Pepito ay pinakahuling namataan sa layong 475 kilometro, silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay ng Bagyong Pepito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Ang Bagyong Pepito ay kumikilos sa bilis na 30 kilometro bawat oras sa pa-kanlurang direksyon.
Dahil dito, nakataas ang Signal Number 1 sa eastern portion ng Isabela tulad ng Palanan, Dinapigue at Eastern Portion ng San Mariano.
Nasa Signal Number 1 din ang northern portion ng Aurora partikular ang Dinalungan, Casiguran at Dilasag.
Ipinabatid ng PAGASA na dadaan sa northern Luzon-central Luzon area ang bagyo at inaasahang tatama sa eastern coast ng northern Luzon-central Luzon area bukas ng gabi o sa Miyerkules ng umaga.
Posibleng lumakas pa ang Bagyong Pepito at maging tropical storm ito bago ang landfall.
Matapos ang pagtama sa landmass ng Luzon, lalo pang lalakas ang bagyo at aabot sa severe tropical storm category sa Huwebes.