Sinegundahan ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte, na pera mula sa iligal na droga ang ginamit na pondo ng grupong Maute sa pagsalakay sa Marawi City.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, nagsagawa sila ng malalim na pag – aaral at pag – Analisa makaraang makatanggap ng intelligence report na mga narco politician ang nagpondo sa Maute Group.
Kinumpirma rin ni Año na lumabas sa kanilang intel report ang pangalan ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na isa sa mga nagpondo ng Marawi siege.
Gayunman, tumanggi si Año na pangalanan ang iba pang local government officials na kabilang sa matrix ng Pangulong Duterte.