Inirekomenda ni Senador Sherwin Gatchalian na gamitin na lamang sa pagkuha ng karagdagang guidance counselors ang perang ginagastos ng Department of Education para sa pagpapa- drug test ng mga estudyante.
Ayon kay Gatchalian , aabot sa halos Tatlong Bilyong Piso ang kakailanganin para sa drug testing ng mga Grade 4 hanggang Grade 12 students.
Mas mapapakinabangan aniya ito ng mga mag – aaral kung kukuha na lamang ng ‘guidance counselors’ na gagabay sa kanilang mga pinagdadaanan.
Dagdag pa ni Gatchalian , maaring ma-trauma ang mga estudyante kung sa murang edad pa lamang ay isasailalim na sila sa drug testing.