Hindi pinatawad ng mga kawatan ang pera sa isang donation box sa loob ng simbahan sa Padre Garcia, Batangas.
Ito ay matapos sirain at nakawin ng mga kawatan ang laman ng box na nasa loob pa mismo ng Most Holy Rosary Parish.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, hindi bababa sa 3,000 pesos ang laman ng box.
Ninakaw ito noong Sabado ng madaling-araw at Linggo na natuklasan.
Posible namang dalawa ang sumalakay sa simbahan.
Sa ngayon, bagaman wala pang pahayag ang simbahan sa nangyari, iniimbestigahan na ng mga otoridad ang krimen upang mahuli ang mga kawatan.