Inihayag ng Punong Mahistrado na wala siyang anumang pagsisisi sa nalalapit na pag-alis sa Hudikatura.
Sa isang pahayag, sinabi ni Chief Justice Peralta na sa halip na pagsisisi, tanging kagalakan ang kanyang nadarama.
Ani Peralta, ito’y dahil alam niya sa sarili niya na ibinigay niya ang abot na makakaya para paglingkuran ang bansa sang-ayon sa umiiral na saligang batas.
Mababatid na nakatakdang magretiro si Peralta bilang Punong Mahistrado sa darating na March 27 na isang taong mas maaga sa mandatory retirement nito.
Sa ngayon ay pinaplano na ni Peralta na magbalik sa pagtuturo sa kolehiyo gaya ng dati nitong propesyon bago pa inatasang pamunuan ang Hudikatura.