Tinuturo ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang election protest ni dating Senador Bongbong Marcos na dahilan kung bakit bumaba ng dalawang (2) milyong piso ang kabuuang yaman ng Pangalawang Pangulo.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, legal adviser ni Robredo, karamihan sa perang nabawas sa Bise Presidente ay napunta sa mga bayarin sa election protest ni Marcos, gaya na lamang ng filing fee.
Ang ilang bahagi naman anya ay ginamit ng Ikalawang Pangulo sa mga personal nitong gastusin.
Hindi pa umano naibawas sa isinumite nilang SALN ang walong (8) milyong pisong cash deposit na ibinayad nila sa Supreme Court (SC) nito lamang Mayo para sa kontra protesta sa election protest ni Marcos.
Base sa SALN ni Robredo, nasa 8.8 million pesos ang kanyang kabuuang yaman para sa taxable year ng 2016, mas mababa sa dating 11 million pesos.
By Len Aguirre