Sisirain ng China ang lahat ng kanilang mga perang papel na nakolekta mula sa mga ospital, palengke at pampasaherong bus sa mga lugar na matinding naapektuhan 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay bilang bahagi ng hakbang ng China sa pagtitiyak na ligtas mula sa COVID-19ang lahat ng kanilang pera na nasa sirkulasyon at maiwasang kumalat pa ang virus.
Batay sa ulat ng financial outlet na Caixin, ipinag-utos na ng mga opisyal ng People’s Bank of China sa Guangzhou ang pagkuha at pagwasak sa mga perang papel mula sa mga sektor na pinakabantad sa coronavirus.
Una na ring sinimulan ng mga commercial bank sa China ang pag-disinfect at pagtatago sa kanilang mga perang papel sa loob ng 14-araw.