Inihayag ng Southern Police District (SPD) na nalutas na ang kaso sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Mabasa o mas kilalang Percy Lapid.
Ito ay ayon kay Police Brigadier General Kirby John Kraft, hepe ng SPD, masasabing nalutas na ang kaso dahil nakilala na ang mga suspek, nahuli at nakasuhan.
Gayunpaman, nagpapatuloy naman anila ang kanilang pagsisiyasat sa pagpatay kay Lapid sa Las Piñas City noong October 3.
Aniya, tuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil dito.
previous post