Bumagsak ang bilang ng mga Pinoy na bilib sa trabaho at nagtitiwala sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay ito sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Setyembre 1 hanggang 7 sa may 1,800 respondents.
Labing tatlong (13) puntos ang ibinaba ng bilang ng mga Pinoy na bilib sa trabaho ng Pangulo o 75 percent mula sa 88 percent noong June survey.
Pinakamalaki ang ibinagsak ng performance ratings ng Pangulo sa Luzon na umabot sa 17 percent at sa Class D na pumalo sa 13 percent na pagbagsak.
Samantala, tumaas naman ng pitong (7) porsyento ang disapproval rating ng Pangulo.
Kinse (15) porsyento rin ang ibinagsak ng bilang ng mga nagtitiwala sa Pangulong Rodrigo Duterte mula sa 87 percent noong June survey, sa 72 percent na lamang ngayong Setyembre.
Ang dating 2 porsyento lamang na walang tiwala sa pAngulo ay pumapalo na ngayon sa 9 porsyento o pagtaas ng 7 porsyento.
—-